Sumali na si NBA star Jordan Clarkson sa ensayo ng Gilas Pilipinas sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Miyerkules ng gabi.

Ito ay upang paghandaan ang kanilang pagsabak sa 2023 FIBA World Cup na sisimulan sa Pilipinas sa Agosto 25.

Kasama rin sa practice si 7'3" Pinoy center Kai Sotto.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Bawal pumasok sa nasabing arena ang fans at mga hindi kasama sa koponan.

Si Clarkson, dumating sa bansa nitong Martes, ay pinili na kasama sa koponan bilang naturalized citizen.

Kabilang din sa dumalo sa ensayo sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Calvin Oftana, Roger Pogoy, Jamie Malonzo, CJ Perez at Chris Newsome.

Nakita rin sa practice sina AJ Edu, Ray Parks Jr., Kiefer Ravena, Dwight Ramos, Thirdy Ravena at Rhenz Abando.

Unang makakasagupa ng Gilas ang Dominican Republic sa Agosto 25, kasunod ng Angola sa Agosto 27 at Italy sa Agosto 29.