Kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang pagpatay sa 17-anyos na binatilyo na napagkamalang suspek sa Navotas City.

Maki-Balita: 17-anyos na binatilyo napagkamalang suspek, napatay ng PNP

“I condemn Jemboy’s heinous killing in the strongest terms,” ani Hontiveros sa isang pahayag nitong Huwebes.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Nakikiramay rin ang senadora sa naiwang pamilya ng biktimang si Jerhode Jemboy Baltazar.

“Bilang isang ina, buong puso akong nakikiramay sa buong pamilya ni Jehrode Jemboy Baltazar. Kasama nyo akong maninindigan upang makamit ang mabilis at tunay na hustisya sa kanyang pagkamatay,” ani Hontiveros.

Bagamat pinuri niya ang agarang imbestigasyon at pagkakakulong sa mga sangkot na pulis, sinabi ng senadora na nakakaalarma at kahina-hinala kung bakit sinampahan ang mga ito ng mas maliit na parusa.

“While the Philippine National Police’s (PNP) immediate investigation and detention of the police officers involved in the killing of Jemboy is commendable, it is both alarming and suspicious as to why the officers were charged only with the lesser crime of ‘reckless imprudence resulting in homicide’ instead of the proper charge of ‘homicide’,” aniya.

“Di hamak na mas maliit ang parusa sa reckless imprudence resulting in homicide (imprisonment of up to 4 years and 2 months) kumpara sa homicide (imprisonment of up to 20 years),” paliwanag ni Hontiveros.

“Malinaw na labag sa batas at sa mismong regulasyon ng PNP ang biglaang pagpapaulan ng bala sa isang sibilyan na hindi armado at wala namang ginagawang masama. There can be no justification nor any excuse for this “shoot first, ask questions later” approach of the members of the PNP in Navotas City,” aniya pa.

Sana raw ay walang namumuong special treament sa mga anim na pulis.

“Sana ay walang namumuong whitewashing, special treatment at paglimita sa parusang haharapin ng mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Jemboy.

“Sana ay magkaisa ang buong bansa sa pagsingil ng katarungan para kay Jemboy, kay Kian delos Santos, Carl Arnaiz, Reynaldo de Guzman at iba pang kabataan na biktima ng extrajudicial violence. We need to end this “culture of violence and impunity” not only in the PNP but also in the entire government that has ruined so many lives  - especially those of the poor and underprivileged.”

Kaugnay na Balita: 17-anyos na binatilyo napagkamalang suspek, napatay ng PNP