Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Huwebes ng hapon, Agosto 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 2:48 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 35 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 23 kilometro.
Naramdaman ang Intensity II sa Tampakan, South Cotabato, habang Intensity I naman sa Polomolok, South Cotabato.
Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity II - Tampakan, South Cotabato; Kalamansig, Sultan Kudarat;
Malungon, Sarangani
Intensity I - City of Davao; Alabel at Kiamba, Sarangani;
City of Kidapawan, Cotabato; Magsaysay at Matanao, Davao del Sur;
Nabunturan, Davao de Oro; City of General Santos, City of Koronadal, at
Polomolok, South Cotabato
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.