Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental nitong Huwebes ng umaga, Agosto 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 11:11 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 136 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island na may lalim na 132 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Kanina lamang namang 9:29 ng umaga, isang magnitude 4.3 na lindol ang tumama sa Balut Island.
MAKI-BALITA: Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol