Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng umaga, Agosto 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 9:29 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 124 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 162 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.