Kinukumbinsi na ng Pag-IBIG Fund ang mga miyembro nito na nagtatrabaho sa Pangasinan o residente nito na mag--apply ng calamity loan assistance na pinondohan na ng ₱400 milyon.

Paliwanag ni Pag-IBIG Dagupan branch manager Corina Joyce Calaguin, ang mga miyembro ay maaari nang mag-avail ng short-term loan hanggang 80 porsyento ng kanilang total savings sa Pag-IBIG.

“Calamity loan may be used in the repair of their houses or whatever they need as it is intended to give them immediate assistance,” anang opisyal.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Handa na aniya ang pondo para sa calamity assistance at maaari nang mag-apply ang mga residente sa loob ng 90 araw mula nang isailalim sa state of calamity ang kanilang lugar.

Matatandaang idineklara ang state of calamity sa Dagupan City, Calasiao, Mangaldan, Mangatarem, Sta. Barbara, Binmaley, Lingayen, Bautista at Basista matapos hagupitin ng Super Typhoon Egay nitong Hulyo.