Patay ang dalawang empleyado ng isang pabrika nang mabangga ng isang sports utility vehicle (SUV) habang nagpapahinga sa harapan ng kanilang opisina sa Mandaluyong City nitong Miyerkules ng gabi.

Agarang binawian ng buhay si Randy Mañalac, 52, supervisor, stay-in sa kanilang pabrika, matapos na maipit ng SUV sa konkretong pader habang naisugod pa sa Mandaluyong City Medical Center si Regean Ramos, 32, helper, ng Caloocan City, ngunit idineklara na ring dead-on-arrival ng mga doktor.

National

ITCZ, easterlies patuloy ang pag-iral sa PH — PAGASA

Samantala, arestado at nakapiit na sa Mandaluyong Custodial Facility Unit ang suspek na si John Marwin Gambalan, 30, Data

Analyst, at residente ng Kaunlaran Village, Caloocan City, na maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide sa piskalya.

Lumilitaw sa ulat ng Mandaluyong City Police na dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang aksidente sa tapat ng pabrikang pinagtatrabahuhan ng mga biktima, sa Madison St., Barangay Ilaya, Mandaluyong.

Kasalukuyan umanong nagpapahinga sa labas ng kanilang opisina ang mga biktima matapos ang kanilang overtime, nang bigla na lang silang mabangga ng isang Mitsubishi Montero, na may plate number na ABO-5887, na minamaneho ng suspek.

Sa tindi ng pagkakabangga, nawasak ang unahang bahagi ng sasakyan habang kapwa nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima, na ikinasawi ng mga ito.