Napatay ng mga pulis ang isang 17-anyos na binatilyo nang mapagkamalan umano itong suspek sa Barangay Kaunlaran sa lungsod ng Navotas.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jerhode Jemboy Baltazar.

May tinutugis umano na suspek ang anim na pulis ng Navotas City Police sa nasabing barangay at batay sa kanilang impormasyon, nasa isang bangka umano ang hinahanap nilang suspek.

Sa ulat ng GMA News, sinabi ng kaibigan ni Baltazar na inaayos nila ang gagamiting bangka sa pangingisda noong Agosto 2 nang pinapababa umano sila ng mga pulis.

National

ITCZ, easterlies patuloy ang pag-iral sa PH — PAGASA

Dahil nagpaputok umano ng baril ang mga pulis, tumalon sa tubig ang biktima at tuluyan pa umanong pinagbabaril.

Gayunman, lumabas na hindi si Baltazar ang suspek na hinahanap at inamin ng Navotas Police na mali ang prosesong ginawa sa operasyon.

Hustisya ngayon ang sinisigaw ng pamilya ng biktima.

Samantala, sinibak sa puwesto at sinampahan na ng kasong homicide ang anim na pulis na nagsagawa ng operasyon, na kinabibilangan ng isang executive master sergeant, tatlong staff sergeant, dalawang corporals, at isang patrolman.