Sa halip na mabawasan ng followers ay lalong lumobo ang sumusuporta kay Unkabogable Star at comedy superstar Vice Ganda matapos siyang kilalanin bilang "most followed Filipino" sa X, dating tawag sa Twitter.
Kahit na binatbat ng mga intriga kamakailan, nasa 15 million X users na ang naka-follow kay Vice.
"Tingnan mo nga naman o mas dumami pa ang followers ko. Mas marami pa 'yong nag-follow talaga. Sa lahat nang mga naganap, mas dumagsa pa ang followers ko. Maraming salamat talaga. Seriously maraming-maraming salamat sa aking mga Twitter followers. Ang dami n'yo na, 15 million. Nakakatuwa 'yong first Filipino to have 15 million followers on Twitter, now X," anang Vice.
Pinasalamatan ni Vice ang "It's Showtime" host na si Anne Curtis dahil ito raw ang nangumbinsi sa kaniya, na gumamit ng X account.
Bukod dito, nominado rin ang "Everybody, Sing!" na kaniyang hino-host bilang "Best Asian Original Game Show" sa Content Asia Awards.
Sa kabilang banda, nag-react naman si Vice sa isang X post tungkol sa "good karma" na nangyayari sa kaniya.
"Kapag my ka-negahan talaga na nangyayare kay @vicegandako asahan mo kasunod nun my bonggang award syang matatanggap," anang netizen.
"You can't keep a good man down."
Niretweet ito ng komedyante at kinomentuhan, "The design is very consistent. Hahaha! Di ko alam kung sumpa! Hahaha! Consider it good karma."
https://twitter.com/vicegandako/status/1688825771668987904