Viral ang Facebook post ng sports news anchor ng "Frontline Pilipinas" na si Mikee Reyes o tinatawag ding "Tito Mikee" matapos niyang ibahagi ang pagtanggi niya sa isang tila hosting job para sa isang family day event.
Batay sa ibinahaging screenshots ni Mikee, mababasang kumpirmado na sana siya sa nabanggit na event subalit may pinapa-request daw sa kaniya ang ilang taong maipagpapalagay na organizers.
Kailangan daw takpan ni Mikee ang mga tattoo niya sa braso.
Sa puntong ito ay tumanggi na si Mikee. Aniya, hindi siya komportableng masabihang takpan ang kaniyang mga tattoo para sa pagganap niya sa kaniyang trabaho.
Hirit naman ng kausap ni Mikee, ipinakiusap lamang umano ito dahil may mga bata raw sa nabanggit na event.
Pahayag naman ng sports newscaster na dating University of the Philippines star guard, inakala raw niyang kilala na siya o inalam na muna nila kung sino at anong mayroon siya bago pa siya kinuha sa nabanggit na event.
"I assume kilala niyo naman sino kinukuha niyo? 😅😅"
"1. You couldve just told me na ang attire is formal or need na longsleeves, i wouldnt look into it. 👔
Susunod naman ako. 😁"
"2. My tattoos make me bad for kids? Pano kung may ma-impart pala sana akong maganda sa kanila? 🥲"
"3. I'm sure hindi kasalanan nung kausap ko. Sinabihan lang naman siya to ask me. 😊"
"Pero tuloy lang naman tayo, guys. ☝🏽"
"God is too good, for us to worry abt these things. 🙏🏽"
"I've already made more friends and achieved more things, being myself, than i could ever have trying to be someone else. ❤️📈"
"Ika ng mga tito/tita,"
"THANK YOU, NEXT. 😂."
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"As long you give your best talent and the clients love you. Go lang."
"Pero bakit kailangan pang i-share ito? Maayos naman palang pinakiusapan. Para mapag-usapan lang?"
"Lets erase the bad connotation about tattoos. It's a modern day today. Tattoos is a form of art and self-expression. We cannot define person by this. Understanding and compassion is the key. Love, love na lang. Stop this nonsense discriminatory act of judging people by their physical appearances 😊 God bless us."
"I have a full sleeve ink as well and a licensed professional. But I swear, with the way things are going now, there will surely come a time when simple words and phrases gets banned because people get offended by the simplest of things nowadays."
"Polite naman di na dapat issue 'to. Ang issue dito pinost at naghanap ng kakampi. Huwag kayong magalit. Hindi talaga lahat lalo na sa Pinas ang open sa ganito..."
"Nasobrahan yata sila sa simba haha."
"Family day tapos may discrimination kayo? Di yata magandang example para sa mga young gen 'yan."
Kamakailan lamang ay pinag-shopping ni Mikee ang dalawang atleta sa nagtapos na Palarong Pambansa 2023 dahil sa makabagbag-damdamin nilang istorya.