Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng 29 sentimong tapyas sa singil sa kuryente ngayong Agosto.

Sa abiso nitong Miyerkules, nabatid na babawasan ng Meralco ang singil nila ng ₱0.2908 per kilowatt-hour (kWh) ngayong Agosto.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Bunsod nito, ang overall rate para sa typical household ay magiging P10.8991 per kWh na lamang mula sa ₱11.1899 per kWh noong Hulyo.

Ang naturang tapyas sa singil ng kuryente ay nangangahulugan ng P58 na bawas sa bayarin ng mga residential customers na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Nasa ₱87 naman ang bawas sa mga nakakagamit ng 300 kWh, ₱116 tipid sa mga kumukonsumo ng 400 kWh at ₱145 naman sa mga nakakagamit ng 500 kWh kada buwan.

Sinabi ng Meralco na ang pagbaba ng singil ay dulot nang pagbaba rin ng generation at transmission charges, gayundin ng iba pang singilin.