Isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Martes sa lungsod ng Marikina City ang Gawad Taga-Ilog Roadshow upang ipagmalaki ang mga sustainable solid waste management na nagpapanatiling malinis at garbage-free sa mga daanang-tubig nito.

Nag-set up ang city government at ang DENR ng isang exhibit, nagdaos ng maikling programa at namahagi ng promotional materials sa Marikina City Hall sa naturang aktibidad.

Matapos maihalal, mensahe ni Yorme: 'Huwag tayong mag-away-away!'

Sa kanyang talumpati na binasa ni Vice Mayor Marion Andres sa idinaos na programa, nangako si Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” R. Teodoro na pananatilihin ang lahat ng kanilang best practices sa solid waste management at higit pang paghuhusayin ang suporta ng local government unit (LGU) sa mga naturang programa.

"Today we highlight the importance of communication, education, public awareness, best practices in waste management, and crafting a holistic and systematic rehabilitation framework for a green and sustainable water system in our country," anang alkalde.

"Our rivers, symbols of life and prosperity, have faced severe degradation due to pollution and neglect," aniya pa.

Binigyang-diin pa ng alkalde na bilang mga responsableng mamamayan, tungkulin nilang ibalik at pangalagaan ang mga naturang mahahalagang resources para sa mga susunod na henerasyon.

Ang Gawad Taga-Ilog (GTI) Roadshow 2023 ay isang DENR promotional activity na nagpapakita ng mahahalagang impormasyon hinggil sa popular contest, na Gawad Taga-Ilog, at mga supporting visuals.

Ito rin ay isang taunang search para sa Metro Manila barangays na may “best estero,” alinsunod sa itinatakdang mga criteria.