Umakyat pa ng bundok ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang mamahagi ng relief goods sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Egay sa Benguet kamakailan.

Nagtulung-tulong ang mga tauhan ng DSWD-Cordillera Administrative Region (CAR) Field Office, Social Welfare and Development (Swad) Benguet, Sablan local government, Barangay Bagong at Balluay upang maiakyat ang tulong ng pamahalaan sa naturang lugar.

Nasa 650 na family food packs ang naipamahagi sa mga nabanggit na lugar.

Isinailalim sa state of calamity ang Benguet matapos mapinsala ng bagyo nitong nakaraang Hulyo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Matatandaang ipinangako ng ahensya na tuluy-tuloy lamang ang tulong para sa mga sinalanta ng bagyo hangga't hindi pa nakababangon sa epekto ng kalamidad.