MABALACAT CITY, Pampanga — Nabuwag ang isang drug den at naaresto ang walong indibidwal na sangkot umano sa iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa South Daang Bakal, Barangay Dau, noong Martes, Agosto 8.

Kinilala ng awtoridad ang mga naarestong suspek na sina Cesar Mabalo, 41; Lanie Cano, 38; Girlie Fulay, 37; Sharon Lariza, 38; Marcos Ferrer, 55; Alejandro Dayrit y Nunga, 46; Mark Pamintuan, at Danilo Lariza, lahat ay mula sa Mabalacat, Pampanga.

Nasamsam sa mga suspek ang 15 gramo ng umano’y shabu na may estimated street value na P102,000; assorted drug paraphernalia; at buy-bust money na ginamit ng undercover agent.

Probinsya

Barangay tanod na bibili lang ng pagkain, itinumba; tindera, nadamay rin!

Ang naturang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Tarlac at PDEA Pampanga Provincial Office, at lokal na pulisya.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.