Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Miyerkules ng umaga, Agosto 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:57 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 17 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Eleksyon

HS Romualdez, ikinatuwa pagkapanalo ng mga kandidato ng Lakas-CMD: 'A victory of trust!

Intensity III - Pikit, Cotabato; Don Marcelino, Davao Occidental; Nabunturan, Davao de Oro; Malungon, Sarangani.

Intensity II - City of Kidapawan, Cotabato; Matanao, Davao del Sur; City of Davao; Gingoog City, Misamis Oriental; Kiamba, Sarangani; Tampakan at Koronadal City, South Cotabato; City of General Santos City.

Intensity I - Magpet and Alamada, Cotabato; Magsaysay, Davao del Sur; Jose Abad Santos, Davao Occidental; Malapatan, Sarangani; Polomolok, South Cotabato; President Quirino, Sultan Kudarat.

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit sa lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

Inaasahan din umanong magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.