Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Cagayan nitong Miyerkules ng umaga, Agosto 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa Claveria, Cagayan na may lalim na 11 kilometro. Dagdag pa nito, plate tectonic ang pinagmulan ng 4.4-magnitude na lindol.
Naramdaman ang Intensity III sa Pagudpud, Ilocos Norte; Intensity II sa Pasuquin, Bacarra, at Batac sa Ilocos Norte; at Intensity I sa Sinait, Ilocos Sur; Gonzaga at Peñablanca, Cagayan.
Sa ulat ng Phivolcs, walang inaasahan na pinsala at aftershocks matapos ang nasabing lindol.