Ni-reveal ni Kapamilya star Lovi Poe ang kaniyang engagement sa British boyfriend na si Monty Blencowe nitong Martes, Agosto 8.
Sa kaniyang Instagram post, nag-share si Lovi ng isang video kung saan makikita ang kaniya umanong kamay na nakasuot ng singsing habang nasa isang beach.
View this post on Instagram
“A couple of years ago, there were two coffees, one sunrise, and a ring ☕️🌅💍,” ani Lovi sa nasabing post.
“We’ve shared and celebrated this moment quietly with our family and closest friends, so we’re now more than happy to share this sweet #lifeupdate with you ♥️,” dagdag pa niya.
Matatandaang taong 2019 nang isapubliko nina Lovi at Monty ang kanilang relasyon.
Nasa “long-distance relationship” naman umano ang dalawa, kung saan nakabase sa Pilipinas si Lovi habang nasa Los Angeles naman si Monty.
Kasalukuyang napapanood ang aktres sa Kapamilya seryeng "FPJ's Batang Quiapo.”