Tila handa pa ring sumabak sa beauty pageant si "Magandang Dilag" star-beauty queen Herlene Budol, sa kabila ng kaniyang naging emosyunal na pahayag sa isang video na mukhang "signing off" na siya sa pagsali rito.

"Maybe" ang naging sagot ni Herlene nang matanong siya sa "Dapat Alam Mo" ng GMA News and Public Affairs, kung ikinokonsidera ba niyang sumali ulit sa beau-con kung sakaling magkakaroon ng pagkakataon.

"Sali pa ba ako o hindi? Oo ata... maybe? Puwede po maybe?" aniya.

"Kasi po 'yong sinabi ko po, 'yong I'm signing off... wala pa pong franchise na nakukuha doon sa international, sa paglalabanan ko. After po noon, lalaban pa rin naman po ako sa international," aniya.

Herlene Budol emosyunal na nag-babu sa pageantry: 'Sorry Pilipinas!'

"Baka magpahinga po ako at pagalingin ko na lang po 'yong sarili ko, mag-focus po muna ako sa kung anong meron ako ngayon," aniya pa.

Nakapokus daw muna si Herlene ngayon sa pagsabak niya sa aktingan lalo't mataas ang TV ratings at feedback na nakukuha ng kaniyang show na "Magandang Dilag" sa GMA Afternoon Prime.