Inaasahang darating sa bansa si NBA star Jordan Clarkson ngayong Martes, Agosto 8, mula Los Angeles, upang sumali sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA Basketball World Cup 2023.

Nauna nang naiulat na sumakay na sa eroplano si Clarkson sa Los Angeles patungong Manila nitong Lunes ng umaga.

Hindi nakasali si Clarkson sa Gilas para sa pocket tournament sa China dahil na rin sa usapin sa visa.

Inaasahang dadalo si Clarkson sa ensayo ng Gilas sa Miyerkules, Agosto 9.

National

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Inaasahang magpapakitang-gilas si Clarkson sa laban ng National team kontra Dominican Republic sa World Cup sa Philippine Arena sa Agosto 25.