Inaasahang magdadala ng pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Martes, Agosto 8, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA bandang 4:00 ng umaga, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, at Ilocos Sur dulot ng habagat.

Maaari umanong magkaroon ng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.

Samantala, ayon pa sa PAGASA, inaasahan naman ang medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dulot ng habagat o ng localized thunderstorms.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Pinag-iingat din ang mga residente rito sa posible umanong pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.