Nanghinayang ang ilang mga netizen kung bakit hindi sila nagawi sa Divisoria kamakailan matapos mag-taping doon si Kapamilya star Donny Pangilinan, para sa kauna-unahan nilang teleserye ng katambal na si Belle Mariano, na may pamagat na "Can't Buy Me Love."

Makikita sa Facebook post ng "Star Creatives," production unit ng ABS-CBN, ang ilang BTS o behind-the-scenes ng kanilang taping kung saan gumaganap na kargador si Donny, at nagmamaneho ng isang tila malaking bisikletang ginagamit sa paghakot ng mga paninda o tinatawag ding "kuliglig."

"Another day, another CBML ayuda para sa mga beshy ko!" mababasa sa caption ng post.

Tila hindi naman alintana ni Donny ang sikat ng araw at dagsa ng mga tao sa paligid. Talaga namang "nabulabog" ang buong Divisoria masilayan lamang ang sikat na personalidad ngayon.

National

Eastern Police District, nakaantabay na sa pagbubukas ng klase sa June 16

Ibinahagi naman ng DonBelle fans ang ilan sa mga kuhang larawan ni Donny na talaga namang kinakiligan.

"Shet ang pogi mo kaninaaaaaaaa hindi ko eneexpect na makikita kita"

"Ang guwapo namang kargador nito..."

"Paki-karga rin ako, Donatooooo!!!!"

"Hello Bingo! Napakagwapo naman talaga ni Donny Pangilinan #CantBuyMeLove."

"Grabe naman mga braso na 'yan, Bingo!"

"Gwapo naman ng delivery boy magpapadelivery din ako ng mga paninda..."

Samantala, wala pang tiyak na petsa kung kailan eere ang nabanggit na serye.