Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Catanduanes nitong Martes ng umaga, Agosto 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 10:40 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 100 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Gigmoto, Catanduanes, na may lalim na 61 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Virac at Panganiban, Catanduanes.

Brass plate sa monumento ng mga guerilla sa Muntinlupa, ninakaw at ibinenta sa junk shop!

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.