Trending ngayon ang "anti selos class" ni Kapuso hunk actor Jak Roberto na mapapanood sa kaniyang social media platforms gaya ng Instagram account.

Ang "anti selos class" ay pagsagot at pagdepensa ni Jak sa ilang Kapuso celebrities na kumonsulta "kuno" sa kaniya sa iba't ibang sitwasyon na may kinalaman sa karelasyon nila, at kung ano ang gagawin niya rito.

Ang Kapuso celebs na isa-isang nagtanong kay Jak ay ang cast members ng bagong seryeng "The Missing Husband" na eere sa GMA Afternoon Prime.

Unang sumalang sa pagtatanong sa kaniya si Cai Cortez habang nagpapa-make-up ito.

Internasyonal

Pope Leo XIV, may Instagram na: 'Peace be with you all!'

"Prof Jak! Kasi 'yong jowa ko ilang gabi nang nagpapaalam na maglalaro ng 'Call of Duty.' Sabi ko naman 'Sige maglaro ka.' Nalaman ko, kalaro niya 'yong childhood friend ko na babaeng maganda, anong gagawin ko?" tanong ni Cai.

"Baka friendly lang," sagot naman ni Jak sabay sayaw.

Ganoon din ang ginawa niya kina Kristoffer Martin, Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, at maging sa kapatid na si Sanya Lopez.

Napa-komento naman dito ang jowang si Barbie Forteza.

"Tapos nagrereklamo ka na pagod na pagod kang sumayaw e choice mo naman pala," aniya.

Matatandaang ang kaniyang girlfriend na si Barbie ay itinatambal sa "Pambansang Ginoo" na si David Licauco.