Iniulat ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Martes na umabot sa 1,911 atleta at delegado ng Palarong Pambansa 2023 ang nakinabang sa libreng sakay na ipinagkaloob sa kanila ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Sa abiso ng LRTA, nabatid na ang naturang mga train passengers ay napagserbisyuhan ng LRT-2, sa buong panahon ng Palaro 2023 o simula Hulyo 31 hanggang Agosto 5.

Anang LRTA, kabilang sa nakapag-avail ng libreng sakay ay ang mga atleta, coach, national at local committee members, volunteers, technical workers, mga opisyal, medical staff at accredited media.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Samantala, nasa 508 persons with visual impairment din naman ang nakatanggap ng libreng sakay sa LRT-2 mula Agosto 1 hanggang 6, bilang paggunita ng White Cane Safety Day.

“Natutuwa tayo dahil sa pamamagitan ng libreng sakay naging bahagi tayo ng matagumpay na Palarong Pambansa 2023. Sana rin naipadama natin ang pagmamahal sa mga person with visual impairment sa ibinigay nating libreng sakay, bilang pagpupugay sa kanilang kontribusyon sa lipunan,” ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera.

Ang LRT-2 ang siyang nagdudugtong sa Recto Avenue sa Maynila hanggang Antipolo City.