Nagpatawag na ng command conference nitong Lunes si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang pag-usapan ang komprehensibong hakbang ng pamahalaan laban sa mapanganib na pagmamaniobra ng barko ng China Coast Guard (CCG) at pambobomba ng tubig sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal kamakailan.

Nanindigan pa rin ang Pangulo na iginigiit pa rin ng Pilipinas ang sovereign rights nito sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng insidente.

Katunayan aniya, nagpadala na si Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ng note verbale sa Chinese Ambassador to the Philippines.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Hihintayin aniya ng pamahalaan ang tugon ng China sa naturang hakbang ng gobyerno.

“But, we continue to assert our sovereignty. We continue to assert our territorial rights in the face of all of these challenges and consistent with the international law and UNCLOS especially,” banggit ng Pangulo.

Nitong Sabado, patungo na sana sa Ayungin Shoal ang mga barko ng PCG para sa supply mission nang biglang magsagawa ng mapanganib na pagmamaniobra ang barko ng CCG at nambomba pa ng tubig.