Umabot sa 1,967 na visually impaired passengers ang nakalibre ng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa MRT-3, ang naturang mga pasahero ay sumakay ng libre sa kanilang mga tren mula Agosto 1 hanggang 6, 2023.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Nabatid na kasamang nakatanggap ng libreng sakay sa loob ng anim na araw ang sa isang aide o companion ng bawat visually impaired passengers.

"Nawa po ay naipadama ng MRT-3 sa aming libreng sakay ang pagsaludo at pagbibigay-pugay namin sa aming mga pasaherong may kapansanan sa paningin. Makaaasa po ang publiko na patuloy na magiging kaagapay ang MRT-3 sa pagsusulong ng mga karapatan ng lahat ng mga pasahero lalo na iyong may espesyal na mga pangangailangan," saad namqn ni Department of Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

Ang libreng sakay ay ipinagkaloob ng MRT-3 bilang pagdiriwang ng White Cane Safety Day.