Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga naapektuhan ng kalamidad sa Bulacan nitong Lunes.

Tampok sa kanyang pagbisita ang pamamahagi nito ng relief goods at cash assistance mula sa mga ahensya ng pamahalaan.

"The southwest monsoon enhanced by Typhoons ‘Egay’ and ‘Falcon’ has left most parts of the Province in floodwaters due to the significant amount of rain, affecting around 170,482 families in over 178 barangays, as of latest data from the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)," ayon sa Malacañang.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Kabilang sa mga nakibahagi sa pamamahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry.

Kamakailan, binaha ang malaking bahagi ng Bulacan dulot na rin ng southwest monsoon na pinaigting ng bagyong Egay at Falcon kung saan aabot sa 170,482 pamilya ang apektado.