“China is not a friend!”
Ito ang binigyang-diin ni Senadora Risa Hontiveros nitong Lunes, Agosto 7, sa gitna ng kaniyang panawagang i-ban na sa Pilipinas ang kompanyang Chinese Communication Construction Co. (CCCC).
Sinabi ito ni Hontiveros matapos atakihin umano ng Chinese Coast Guard (CCG) sa pamamagitan ng “water cannon” ang mga sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard (PCG) na maghahatid ng mga supply sa Ayungin Shoal noong Sabado, Agosto 5.
MAKI-BALITA: PCG vessel, binomba ng tubig: China Coast Guard, kinondena ulit ng Pilipinas
“[China] is not even a good neighbor. Hindi tayo papayag na wala tayong gawin habang inaabuso at inaalipusta niya ang ating mga kababayan sa sarili nating karagatan,” pahayag ni Hontiveros.
“Banning one of their state-owned companies is a way to tell China that we will not tolerate any abuse anymore,” dagdag niya.
Binanggit din ng senadora na tinapos na ni dating Finance Secretary Dominguez ang proseso ng aplikasyon ng pautang para sa mga pangunahing proyektong pinondohan ng CCCC tulad ng Davao-Digos Rail segment, Calamba-Matnog long haul rail, at Subic-Clark Rail.
Samantala, ipinagpatuloy rin umano sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ang nasabing negosasyon sa pautang.
Dahil dito, binigyang-diin ni Hontiveros na interes ng Pilipinas na tanggihan ang anumang pondo ng CCCC.
“There is no unique advantage to having Chinese banks and Chinese contractors being involved in these mega projects. One might even argue that the ADB or Japan, and maybe even the Philippine private sector, will be a better match for these projects,” ani Hontiveros.
“If the Tutuban-to-Clark rail is based on Japanese technology and ADB environmental and social safeguards, we might as well choose them for other connected projects. Bakit nga ba binigay pa yan sa China? Bakit ibibigay sa kumpanya na may kasaysayan ng paninira sa ating likas-yaman sa WPS?” saad pa niya.