Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng madaling araw, Agosto 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:49 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 327 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 73 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.