Patay ang isang miyembro ng New People's Army (NPA) matapos makasagupa ng grupo nito ang tropa ng gobyerno sa Moises Padilla, Negros Occidental nitong Sabado.

Sa ulat ng 62nd Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA), hndi pa nakikilala ng militar ang napatay na rebelde na nasamsaman ng isang .45 caliber pistol na may magazine at bala, dalawang backpack at iba pang personal na gamit.

Napatay ang naturang rebelde sa hot pursuit operation sa Sitio Cansimba, Brgy. Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nauna nang nakasagupa ng mga sundalo ang walong rebelde sa Sitio Leong, Brgy. Imelda, Guihulngan City, Negros Oriental nitong Agosto 5 dakong 5:45 ng madaling araw.

Gayunman, nakatakas ang mga rebelde na naging dahilan upang tugisin sila hanggang Moises Padilla.

Kaugnay nito, nanawagan ang militar sa mga sugatang rebelde na sumuko na lamang at samantalahin ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno para sa kanilang pagbabagong-buhay.