“The Chinese Coast Guard has ABSOLUTELY NO RIGHT to block, let alone water cannon, our supply vessels. Wala silang karapatang gutumin ang mga Pilipino sa Ayungin Shoal.”
Ito ang pahayag ni Senador Risa Hontiveros nitong Linggo, Agosto 6, matapos ang umano’y pag-atake ng Chinese Coast Guard (CCG) sa supply boat ng Philippine Coast Guard (PCG) malapit sa Ayungin Shoal gamit ang “water cannon” nitong Sabado, Agosto 5.
MAKI-BALITA: PCG vessel, binomba ng tubig: China Coast Guard, kinondena ulit ng Pilipinas
“China’s repeated provocations are in complete violation of UNCLOS and the 2016 Arbitral Award.”
Nanawagan din si Hontiveros sa “regional neighbors” at sa “broader international community” na sumama sa Pilipinas sa pagkondena ginawa ng CCG.
“I also hope our country can start joint patrols with other claimant countries in the SCS, such as Vietnam, Malaysia, Indonesia, and Brunei. Kailangan nating magtulungan para mapahinto ang agresibong mga aksyon ng Tsina,” ani Hontiveros.
“Umaasa din ako na ang DFA ay sinisimulan na ang mga hakbang para ilapit sa iba’t ibang international fora ang walang katapusang panghihimasok ng Tsina. The recently adopted Senate resolution 718, with its precision and specific recommendations, is at their disposal,” saad pa niya.