Binati ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kabataang manlalaro na lumahok sa Palarong Pambansa 2023.

Sa closing ceremony ng Palarong Pambansa 2023 na ginanap sa Marikina City nitong Sabado, Agosto 5, pinuri ni Duterte ang dedikasyon ng mga manlalarong estudyante.

“You are all winners in your own right, and we laud your dedication to your chosen passion,” ani Duterte.

Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa mga coach, paaralan, pamilya at mga komunidad sa ibinigay umano nilang suporta sa mga manlalaro.

Eleksyon

2 patay, 5 sugatan sa pamamaril sa Silay City ngayong eleksyon; isa sa mga suspek, barangay chairman

“Mabuhay kayong lahat at patuloy kayong maging ehemplo ng pagbabago sa inyong kapwa,” saad ng bise presidente.

Pinasalamatan din ni Duterte ang Marikina City, sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro, sa matagumpay umanong pagdaraos ng Palaro Pambansa 2023.

Samantala, nasaksihan din umano ng bise presidente at kalihim ng DepEd ang ceremonial acceptance ni Cebu City Mayor Mike Rama bilang host ng Palarong Pambansa na gaganapin sa naturang lungsod sa susunod na taon.

Ang Palarong Pambansa ay isang taunang multi-sport event na nilalahukan ng mga student-athletes mula sa iba’t ibang dako ng bansa.