ZAMBALES - Nalansag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang isang drug den sa Subic nitong Biyernes na ikinaaresto ng tatlong suspek.

Sa report ng PDEA Central Luzon, nakilala ang mga suspek na sina Crystalline Torres, 22; Jabil Jailana, 29,; at7 Jojo Alcala, 37, pawang taga-Subic, Zambales.

Ang mga suspek ay naaresto sa kanilang lugar sa Barangay Matain nitong Agosto 4 ng gabi.

Nasa 18.9 gramo ng shabu ang nakumpiska sa tatlo at ito ay nagkakahalaga ng ₱130,410.00.

Probinsya

'Mass poisoning?' Tinatayang 20 alagang hayop sa Albay, hinihinalang nilason nang sabay-sabay

Nasamsam din ang drug paraphernalias at buy-bust money.

Isasampa ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.