“A dream come true…”

Masayang inanunsyo ng dating PBA star at Gilas Pilipinas team captain na si Jimmy Alapag na itinalaga siya bilang player development coach ng Sacramento Kings para sa paparating na NBA season.

Sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Agosto 5, ibinahagi ni Alapag, 45, ang bagong oportunidad sa kaniyang career.

“A DREAM COME TRUE... Proud to announce I'll be joining Coach Mike Brown and his staff as a Player Development Coach for the upcoming NBA season,” ani Alapag.

National

VP Sara, wala nang balak maging miyembro ulit ng gabinete; PBBM, nag-react

“Incredibly blessed and thankful for this opportunity,” dagdag pa niya. “God is Good!!!”

Pinasalamatan din ng dating PBA Most Valuable Player ang buong Kings organization para sa tiwala umanong ibinigay sa kaniya.

Matatandaang bago ang nasabing bagong posisyon ay naging naging assistant coach din si Alapag ng G-League affiliate ng Sacramento na Stockton Kings.