Namahagi na ng socio-economic aid ang pamahalaan para sa mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Sultan Kudarat.

Sa Facebook post ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mismong si Secretary Rex Gatchalian ang nanguna sa pamamahagi ng cash assistance sa mga dating MILF fighter kasunod ng pagsuko ng mga ito ng kanilang armas.

Nitong Agosto 4, isinagawa ang ikatlong bugso ng decommissioning ng mga miyembro ng MILF sa naturang lalawigan.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nauna nang inihayag ng Malacañang na ang pagsuko ng mga armas ng MILF ay tanda ng pakikiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Mindanao.

Aabot sa 1,302 MILF fighters ang nakiisa sa nasabing programa ng gobyerno.