Balik-Pinas na ang TV host, actress at comedian na si Melai Cantiveros-Francisco at ang kaniyang pamilya matapos ang ilang linggong nasa Seoul, South Korea.

Bukod sa travel nilang mag-anak ay nagtrabaho si Melai sa Korea para sa isang film project na “Ma’am Chief,” na pinangungunahan ng Korean production crew.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Wala namang nabanggit ang aktres na iba pang detalye tungkol sa pelikula, bagkus ay maya’t maya siyang nag-uupdate ng behind-the-scenes nito sa pamamagitan ng kaniyang Instagram posts at stories.

Kamakailan nga ay laman ng social media si Melai at ang kaniyang pamilya dahil sa mga ganap nila sa Korea trip nila. Maraming netizens ang naaliaw sa pamilyang Francisco kaya naman hiling ng mga ito ay magkaroon ng travel show ang pamilya.

Ang tawag pa nga ni Melai sa kaniyang mga followers ngayon ay “Kamsami,” na hango sa Korean word na “kamahamnida,” o ibig sabihin ay “thank you.”

Ngayong nakabalik na sa Pilipinas, balik-trabaho na rin ang aktres.

“Kamsamiiiiiiiii Lord sa safe na travel from Korea to Phils. Xmpre napagtagumpayan namin ang pagbyahe ng may Kids , Senior Citizen with bagahe na umaAnyeong sa sa dami,” ani Melai sa kaniyang IG post nitong Biyernes.

“Mga Kamsamiiii tara na Live na Live na tayu ulit sa @_magandangbuhay and sa #UrDaBoss @iampieofficial,” dagdag pa niya.