Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Agosto 4, na isasagawa ang Special Licensure Examination para sa Professional Teachers sa Bangkok, Thailand, sa darating na Setyembre 24, 2023.

Ayon sa PRC, maaaring magpasa ng aplikasyon ang mga interesadong kumuha ng nasabing exam sa pamamagitan ng Online Application System sa kanilang website hanggang Agosto 24, 2023.

“Examination fees shall be paid at the authorized payment channel under the Land Bank of the Philippines (LBP), Banc Net, G-Cash, and Pay Maya,” saad ng PRC.

“After complying with the online processes and payment, all applicants shall send a clear scanned copy of their application documents via email at [email protected] for processing and evaluation by the PRC Delegation Team,” dagdag nito.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Kinakailangan naman umano ang mga dokumento tulad ng transcript of record (meron o walang scanned picture at meron o walang remarks na “For Board Examination Purpose Only”), valid passport, at apat na passport-size pictures na may kumpletong nametag na white background.

Ilalabas sa website ng PRC ang listahan ng “conditionally-approved” applicants.

Sinabi rin ng PRC na magi-isyu ang PRC Examination Team ng individual Notice of Admission (NOA) sa mga kwalipikadong aplikante sa pagharap ng orihinal na mga dokumento sa Setyembre 21 – 23, 2023.

Iaanunsyo naman umano ang venue sa ibang araw.