Bumaba sa 4.7% ang inflation nitong buwan ng Hulyo mula sa 5.4% na naitala noong buwan ng Hunyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Agosto 4.
Ayon sa PSA, ito ang pang-anim na magkakasunod na buwan ng deceleration sa headline inflation sa bansa.
Nagbigay naman umano ng pinakamalaking kontribusyon sa naturang pagbaba ng inflation rate sa bansa sa buwan ng Hulyo ang heavily-weighted food at non-alcoholic beverages sa 6.1% mula sa 6.9% sa buwan ng Hunyo.
“This was followed by housing, water, electricity, gas and other fuels, which posted an annual mark-up of 3.0 percent during the month from 4.8 percent in June 2023,” anang SWS.
Pumangatlo naman umano sa nagbigay ng pinakamalaking kontribusyon sa pagbaba ng inflation ang transportasyon, na nagpakita ng taunang pagbaba ng -3.0% mula sa -1.2% sa nakaraang buwan.