Gilas, pinadapa ng Senegal sa int'l tournament sa China

Gilas, pinadapa ng Senegal sa int'l tournament sa China
Matapos matalo ang Iran nitong nakaraang araw, nabigo naman ang Gilas Pilipinas matapos padapain ng Senegal, 72-64, sa Heyuan WUS International Basketball Tournament sa Jiangman En Ping Sport Gymnasium, Guandong, China nitong Biyernes ng gabi.
Huling nakatikim ng bentahe ang Gilas, 57-55, matapos ang magkasunod na buslo ni AJ Edu.
Sa fourth quarter, umabante nang malaki ang Senegal, 70-61, matapos magpakawala ng 15 puntos laban sa apat na puntos ng National team.
Naglaro ang Gilas sa kabila ng pagkawala nina NBA player Jordan Clarkson at 7'3" Kai Sotto.