Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Agosto 4, na inaasahang hihina na ang epekto ng southwest monsoon o habagat sa bansa dahil umano sa patuloy na paghina ng bagyong Khanun (may local name na Falcon) na huling namataan sa kanluran ng Okinawa, Japan.

Sa tala ng PAGASA bandang 5:00 ng umaga, sa paghina ng habagat ay makararanas na lamang ng occasional rains sa Pangasinan, Zambales, at Bataan.

Asahan naman umano ang maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, at thunderstorms sa Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Islands, Occidental Mindoro, mga natitirang bahagi ng Ilocos Region at Central Luzon dahil sa habagat.

Samantala, magiging medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rains o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa habagat o localized thunderstorms.

National

Zaldy Co, kailangan munang umuwi ng bansa kung nais tumestigo vs PBBM—Rep. Luistro

Pinag-iingat naman ng PAGASA ang mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya naman ay pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malakas ulan o thunderstorms.