Naglabas na ang Commission on Elections (Comelec) ng Certificate of Candidacy (COC) forms para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa website ng Comelec maaaring ma-access ang COC forms para sa "Punong Barangay” at miyembro ng Sangguniang Barangay.

Nasa nasabing website din makikita ang COC forms para sa "chairperson" at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.

“COC form shall be printed on both sides (front and back) of a folio (8.5"x13") or legal (8.5"x14") size of copy paper,” anang Comelec.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Maaari umanong maghain ng COCs ang mga tatakbo sa nasabing mga posisyon mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2.

Nakatakda namang maganap ang BSKE sa darating na Oktubre 30 ngayong taon.