Bukod sa General Santos City, deklaradong "persona non grata" na rin ang drag queen na si "Pura Luka Vega" sa isang bayan sa Negros Occidental dahil sa kaniyang kontrobersiyal na drag art performance na gumagaya kay Hesukristo, at paggamit sa remix version ng dasal na "Ama Namin" bilang background music.

Isang resolusyon ang ipinasa ng municipal council sa Toboso, Negros Occidental kung saan idinedeklarang persona non grata si "Amadeus Fernando Pagente" dahil sa kaniyang drag art performance, na nauna nang binatikos ng mga politiko at karaniwang netizen bilang "blasphemous" daw o paglapastangan umano sa Diyos.

Ayon sa sumulat ng resolusyon na si Councilor Richard Jaojoco, siya mismo ay nasaling sa isinagawang mga kilos ng drag queen.

Pura Luka Vega persona non grata sa GenSan

Bukod sa pagiging persona non grata sa dalawang lugar, sinampahan na rin ng kaso si Pagente ng ilang religious leaders.

https://balita.net.ph/2023/08/02/pura-luka-vega-kinasuhan-dahil-sa-ama-namin/