Umarangkada na ang pangalawang season ng drag reality competition na “Drag Race Philippines" nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 2, 2023, kung saan top trending topic ang mga ganap sa nasabing programa, kabilang na ang umano'y mahinang audio ng produksyon.

Sa pilot episode, ipinakilala ang unang anim na drag queens na sina Arizona Brandy, Matilduh, Nicole Pardaux, Tiny Deluxe, Captivating Katkat, at M1ss Jade So, na agad sumalang sa mini challenge na photoshoot kasama ang isang tarantula, kung saan nagwagi si Matilduh.

Para naman sa kanilang maxi challenge, nakasama nila sina Almira at Mylene Cercado ng girl group na 4th Impact para gabayan ang drag queens sa kanilang girl group challenge.

Una nang inilibas ang “Boogsh” sa iba’t ibang streaming platforms, na siyang orihinal na awitin para sa nasabing challenge sa season na ito.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Marami naman ang nakapuna sa mahinang audio ng HBO Go at nasayangan dahil girl group challenge pa man din at hindi masyadong narinig ang mga liriko sa performance ng drag queens.

Top trending topic sa Twitter ang hashtag #DragRacePH, at narito ang ilang tweets na nakalap ng Balita:

Photo courtesy: Screenshot from Twitter

https://twitter.com/jusqjames/status/1686716432409677825?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

https://twitter.com/anubrian/status/1686722244364632064?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

https://twitter.com/anubrian/status/1686708693751263233?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

Sa runway challenge naman, “Feather You Like It Or Not” ang naging atake ng mga drag queens kung saan rumampa sila suot ang mga costumes na gawa sa feathers. Nagtapat naman sa unang “Lip Sync For Your Life” ng season sina Tiny Deluxe at Nicole Pardaux sa awiting “Here We Go” ng 4th Impact.

Sa pagtatapos ng episode, naligwak ang Cebuana drag queen na si Nicole Pardaux agad namant lumisan sa Werk room.

Mapapanood ang season 2 “Drag Race Philippines” tuwing Miyerkules, 7PM sa HBO Go at Wow Presents Plus, kung saan main host si Paolo Ballesteros.