Apektado ngayon ng oil spill ang karagatang bahagi ng Barangay Taggat, Claveria Port sa Cagayan matapos umanong mahulog ang isang crane sa dagat sa kasagsagan ng bagyong Egay kamakailan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa initial report ng PCG-Claveria Sub-Station, nasa 70 litro ng krudo ang laman ng crane nang mahulog ito sa daungan habang binabayo ng bagyo ang lalawigan nitong Hulyo.

Pag-aari umano ng CKK Construction ang nasabing heavy equipment, ayon sa PCG.

Nagtutulungan pa rin ang mga tauhan ng PCG-Claveria, Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Maritime Environmental Protection Command (MEPC) upang linisin ang tumagas na langis.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Naglagay na rin ng oil spill boom upang mapigilan ang malawakang pagkalat ng langis.

Tatagal ng dalawa hanggang tatlong araw ang isinasagawang clean-up operations sa lugar, dagdag pa ng Coast Guard.