Nanindigan si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Lala Sotto-Antonio na wala umanong nilabag ang mga magulang na sina dating senate president Tito Sotto at batikang aktres na si Helen Gamboa, matapos silang sitahin ng social media personality na si Rendon Labador at iba pang netizens, nang magpakita ng "public display of affection" sa habang umeere ang noontime show na "E.A.T."

Sa nabanggit na eksena, tila pinanggigilan ni Titosen si Helen at hinalikan ito sa bandang leeg, pisngi, at gilid ng labi.

Sey ng mga netizen, ipatatawag din ba ni MTRCB Chair Lala ang mga magulang kagaya ng ginawa kina Vice Ganda at Ion Perez, matapos kuwestyunin ng maraming netizens ang pagsubo nila ng cake icing sa pamamagitan ng daliri?

Sa panayam ni Cristy Fermin kay MTRCB Chair Lala sa Wednesday episode nitong Agosto 2, iginiit nitong walang nilabag na kahit ano ang kaniyang mga magulang. Aniya, bilang isang anak ay sanay na siya sa lambingan ng kaniyang mga magulang. Normal na gawain lamang daw ang maglambingan ang isang mag-asawa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Lumaki po kasi akong gano’n, na halos araw-araw ng buhay naming magkakapatid mapa sa telebisyon, maski saan. Mula po noong bata kami. They have been married for 55 years now,” aniya.

"Nakarating din po sa’min na may konting mga reklamo na ako raw ay unfair, hindi patas, hindi ko raw pinapatawag E.A.T..."

"Wala pong dahilan para ipatawag ang E.A.T. dahil ‘di po sila deserving for a notice to appear.”

“Malinaw na walang anumang hindi angkop na nangyari sa binanggit na kilos ng aking mga magulang sa programang E.A.T. Wala rin po silang nilabag [na] gabay ng MTRCB kaya hindi po dapat bigyan ng Notice To Appear at hindi dapat ipatawag ang E.A.T.”

Ipinagdiinan din ni Sotto-Antonio na sila ay isang quasi-judicial body at may sarili silang patas na proseso pagdating sa kanilang trabaho.

“Ang MTRCB ay isang quasi-judicial body. We are also a national government agency, ibig sabihin mayroon kaming sariling proseso, mayroon kaming sariling due process."

“Hindi naman porke may isang nag-complain ay bibigyang patotohanan na agad ito. We act on complaints but we need complete information," aniya pa.