Inanunsiyo na ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa sa katapusan ng buwan.

Sa abiso ng DepEd nitong Huwebes, nabatid na ang opening ng School Year 2023-2024 sa lahat ng public schools ay sa Agosto 29, 2023 na.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“The Department of Education (DepEd) announces that the opening of classes for School Year 2023-2024 in all public schools will be on August 29, 2023,” anang DepEd.

Samantala, ipinauubaya naman ng DepEd sa mga pribadong paaralan ang pagtatakda ng petsa ng pagsisimula ng pasok ng kanilang mga mag-aaral.

Anang DepEd, maaaring magbukas ng klase ang mga private school simula sa unang Lunes ng Hunyo, ngunit hindi dapat na lampas sa huling araw ng Agosto.

“Private schools may choose to open classes on any date starting “the first Monday of June but not later than the last day of August," pursuant to Republic Act  11480. Thank you,” anito pa.