Iran, pinataob ng Gilas Pilipinas
Iran, pinataob ng Gilas Pilipinas
Ginulantang ng Gilas Pilipinas ang Iran, 76-65, sa 2023 Heyuan WUS International Basketball Tournament sa China nitong Huwebes ng gabi.
Ito ay sa kabila ng hindi paglalaro ni 7'3" center Kai Sotto at ng naturalized player ng koponan.
Hawak na ng National team ang 1-0 record habang taglay ng Iran 0-1 panalo-talo.
Kabilang sa nagpakita ng solidong performance ang bago sa koponan na si AJ Edu, Calvin Oftana at Rhenz Abado.
Muling magbabalik-aksyon ang mga manlalaro sa Biyernes kung saan makakalaban ng Gilas ang Senegal.
Ito ay bahagi ng pagpapalakas ng Gilas Pilipinas para sa sasabakang 2023 FIBA World Cup na magsisimula sa Manila sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.
Magiging venue ng laro ang Philippine Arena, Smart-Araneta Coliseum, at Mall of Asia (MOA) Arena.