Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng hapon, Agosto 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 05:20 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 178 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 158 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.