'Walang diarrhea outbreak sa Rapu-Rapu’ -- Albay health office
Hindi nagkaroon ng diarrhea outbreak sa Rapu-Rapu sa Albay.
Ito ang pahayag ng Albay Provincial Health Office (APHO) nitong Miyerkules at sinabing kontrolado na nila ang mga kaso nito.
Sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, nai-report ang unang kaso nito sa Barangay Manila, Rapu-Rapu nitong Hulyo 15.
Naitala rin ang 45 kabuuang kaso nito, kabilang ang dalawang nasawi, 26 ang nakarekober at 17 pa ang nagpapagaling.
Gayunman, sinabi ng APHO na wala na silang natukoy na bagong kaso ng sakit hanggang sa kasalukuyan.
“Under control na po siya, wala na po kaming na-detect na bagong cases,” sabi naman ni Water, Sanitation and Hygiene (PHO-WASH) coordinator, Sanitation Engr. William Sabater.