Hindi pa rin kumbinsido si "E.A.T." host Maine Mendoza-Atayde sa inilabas na artikulo mula sa isang pahayagan kaugnay ng umano'y pagtungo nilang mag-asawa sa 76th Locarno Film Festival na gaganapin sa Switzerland, para sa pelikulang “Topakk."

Ayon sa naunang nailabas na balita, tutungo umano sa festival si Atayde bilang vice chairperson ng House special committee on creative industry and performing arts. Makakasama raw niya sa trip na ito ang misis na si Maine.

Sa kaniyang buradong tweet, nilinaw ni Mendoza-Atayde na personal expenses nila at pera sa sariling bulsa ang gagamitin, sa personal trip nila ng mister pagkatapos ng festival.

"Huh. Fake news na naman. This seems to be written by an uninformed and privy writer," ani Mrs. Atayde.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"The headline is misleading and FALSE."

"Arjo will go to Locarno as his film is part of the Locarno film fest. Our personal trip after that is at personal expense… out of our own pockets."

Photo courtesy: Maine Mendoza's X account

Tila nakarating sa kaalaman ng pahayagan ang reklamo ni Maine kaya muli silang naglabas ng isang artikulo kaugnay nito. Iginiit ng pahayagan na may sapat silang mga dokumentong magpapatunay na magiging "back up" sa inilabas nilang unang istorya.

Bagay na muling kinomentuhan ng TV host-actress sa kaniyang X account (dating tawag sa Twitter).

"The article is still misleading and lacking context. It insinuates that this trip is at government expense. There are two kinds of 'official' travels and I hope you include that in your article and where this trip falls under."

"I will probably be asked to delete this again but I shall say it again one last time, EVERYTHING is at PERSONAL EXPENSE. 100%."

"No government funds will be used. Hope you can insert that somewhere in your article. Salamat," pakiusap pa ni Maine.

Photo courtesy: Maine Mendoza's X account

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng pahayagan tungkol dito.